By: der Historiker
Hindi man ako isang maharlika,
Na hindi nauubos ang kayamanan.
Isa lamang akong taong may pananalig,
Sa sarili, sa aking kapwa at sa may kapal.
Ako man lamang ay isang dukha subalit isa akong taong,
Na dapat mayroong maipamamalaki sa sarili.
Ako ay nilikha ng makapangyarihang panginoon,
Isa sa mga kinilala, inapo nina Adan at Eba.
Ako din ay pareho din sa inyo mayroong hangarin,
Isinilang na may pananaw.
Maipagmamalaki ko ang aking sariling,
Na walang binhi ng kasamaan.
Sana makita nyo na akoy isang taong may maipagmamalaki.
Na isang taong pareho lang sa inyo,
Na mayroong gustong magawa, makamit, at higit sa lahat,
Mayroong hangarin sa buhay!
2 thoughts on “Ang Aking Maipagmamalaki”